Bakit nga ba mahirap ang buhay?

Lagi mong maririnig yan sa kanto, mahirap man o mayaman e binabanggit pa rin ang mga katagang iyan. Pero bakit nga ba ang tanung? Bakit ang hilig hilig nating bigkasin na mahirap ang buhay? Simple lamang yan, mahirap dahil hindi madali tama? Nasa ‘yo lang naman yan eh, pinipili mo kasing pahirapan ang sarili mo. Ang dami-dami mong problema na hindi naman talaga importante at ang masaklap ginagawa mo itong rason para maghirap ka. Anu nga ba ang mga iyon? Bat di natin isa-isahin nang maliwanagan ka kunti.
1. Gusto mong yumaman pero hindi ka yumayaman.
Tatlo lang naman ang kailangan mo para mabuhay- pagkain, damit at matitirhan. Ngayon may bahay ka- isang silid tulugan, isang kubeta, isang kusina na sala mo na rin. Pero di ka kuntento kasi, may mga nalalaman ka pang porch, master’s bedroom, guest room at lahat ng room, iba pa ang sala mo sa dinning room, maski ang kubeta e kelangang may shower room at may bathtub dahil masyado kang inspired kay Carrie Bradshow na gusto mo sex in the city na rin ang bahay mo. Dagdagan natin kunti, O mansion na yung bahay mo kaso di sapat ang isa, kelangan may vacation house kuno o kaya condo sa halos lahat ng syudad. Hindi ka talaga yumayaman kung laging kulang para sa’yo lahat ng meron ka. Ang paborito ng lahat – wala akong pera. Wala ka nga namang pera pero kwenta ka naman ng kwenta, bilang ka ng bilang at iyon ang nakakapagtaka. Sa ibang salita, gahaman ka din kasi.
2. Walang nagmamahal sa’yo
Malamang wala talaga dahil iyon ang bukambibig mo para sa sarili mo. Bakit kelangan may magsabi sa iyo ng I Love You para masabi mo na may nagmamahal sa iyo? Sabihin mo kaya iyon sa sarili mo atleast kahit isa e meron at iyon ang importante. Masyado mo kasing kinakaawaan ang sarili mo, ang tawag dun di ka marunong maging masaya na mag-isa. Inggit lang yan at gusto mo sumunod sa uso paanu lahat ng mga kakilala mo e nakikipag-asawa kaya ikaw parang nasa death row at ayaw mong mapag-iwanan.
3. Relationship problems daw
eto ang gustong gusto ko, marami ang ganito eh pero isa isa muna:
a. si single- pangit, mataba, walang pera, walang trabaho, walang pinag-aralan, hindi mayaman. Eto ang mga kadalasang rason kung bakit si single e single pa rin at walang love life. Anu ngayon? So si pangit nagpapaganda at halos ubusin lahat ng beauty products para maging kamukha ni Angelina Jolie. Sabi mo maganda ang burgundy na kulay para sa buhok mo, bagy na bayag kaya nagpakulay ka pero nung nagsalamin ka nagreklamo ka na nga at sinisi mo pa yung parlorista. Hoy mahiya ka naman, dahil una hindi mo mukha yung nakalagay sa kartoon ng pinangkulay sa iyo na nakita mo- ibang tao yun kaya kung maganda sa kanya hindi ibig sabihin na pag linulay sa buhok mo e magiging kamukha mo s’ya bagkus di mo na nga bagay ay kinumpara mo pa ang resulta nung sa iyo at nung asa advertisement. Si mataba, work out ng workout at diet ng diet, bakit may nagsabi na ba sa iyo na mamahalin kita pag payat ka? Wala pa naman ah saka kung may nagsabi man dapat tinapatan mo ng ganito- kelan pa naging basehan ang katawan para sa taos pusong pagmamahal? Walang trabaho, walag pinag-aralan, hindi mayaman, lahat ng mga ‘to ay sadyang kathang isip lamang na lagi mong ihinahatol sa sarili mo. Sinubukan mo na nga bang maghanap o baka kasi antay ka ng antay para sa prince charming mo na di naman dumadating o kaya para kang si Princess Fiona, Shrek ang dumating at inayawan mo na nga , nilait mo pa.
b. In a relationship at may asawa
Selos, pangunahing ugat ng madalas na pag-aaway at di pagkakaunawaan. Mapatotoo man o hindi na may second at third yung isa di pa rin nawawala ang away. Para kayong mga aso’t pusa, away bati lagi at pag tinanung mo kung bakit di na lang maghiwalay ang laging rason ay dahil mahal pa daw nila ang isa’t isa. Naalala mo si Sisa?, ganun mismo di ka nga pinanganak na santo pero nagpapakamartyr ka naman. Kung bakit kasi mas gusto natin ang fruit salad kesa sa iisang prutas.
c. si ex na guto pang maging y
Madami din to, tinapon na nga gusto pang mapulot. Di ka makamove-on kasi walang closure? o kaya ung paulit-ulit na tanong kung bakit at anung mali kaya kayo naghiwalay. Isampal mo sa mukha mo na di ka aso para susunod sunod sa tae, walang mali, walang closure closure na yan ang totoo natatakot ka lang maging single ulit o kaya natapakan ang pride mo. Una sa lahat dapat mas mahal mo ang sarili mo dahil kung alam mo kung paanu pahalagahan yang dignidad mo ganun din ang gagawin ng ibang tao sa iyo. Alalahanin mo, walang namamatay na ex pero maraming nagpapakamatay na y at mas lalong walang namamatay sa pagiging single.
4. Bobo ka o mas popular- tanga ka
Lahat ng ginagawa mo ay puro katangahan, ang tanung ou nga ba? Tandaan mo na walang pinanganak na bobo at tanga, sadyang magkakaiba lang ang pamamaraan kung paanu tayo matuto. May mabagal at may mabilis, minsan may mga bagay na ikaw din lamang ang nakaka-intindi. Rason lang yan dahil ayaw mong pag-isipang mabuti ang mga ginagawa mo o kaya gusto mong takbuhan ang mga bagay na sapilitan mo lamang ginagawa dahil sabi ng iba eto ang tama. Red horse lang? haha. Kung napanood mo si Dori sa finding nemo- ni isang segundo ay nakakalimot siya kaagad pero nagawa pa rin nyang matandaan yung address na nakita nya sa goggles. Ibig sabihin, ikaw na bilang isang tao at may mas malaking utak makakaya mo rin ang ginawa ni Dori. Determinasyon lamang at sapat na paniniwala sa sarili ang kailangan. Hindi dahil di mo masolve yung math problem mo o kaya puro bagsak ang mga grado mo e wala ka nang pag-asa. Sa totoong buhay hindi sinabi nung general average mo na 97 o 74 kung paano ka makakakain kinabukasan. Bakit di mo gayahin si Albert Einstein, sabi nya “I have no special talent, I am only passionately curious”, ni hindi nga nya binanggit na three digit ang IQ nya kaya walang rason na hatulan mo ang sarili mo.May mga bagay na sadyang mali lamang ang pinili nating desisyon at hindi iyon katangahan o kabobohan, ang tawag doon – circumstances.
5. Di ka nakapa-aral kaya wala kang alam gawin sa buhay
Ang paninigarilyo, pag-inom ng alakat pagsusugal natutunan mo ba eto sa paaralan? Hindi di ba pero bihasa ka dito tapos ngayon sasabihin mo na wala kang alam gawin sa buhay dahil di ka nakapagtapos ng pag-aaral? Si Bill Gates at Steve Jobs, hindi rin sila nakapagtapos ng pag-aaral pero pinili nilang gawin at pangatawanan ang mga nagawa nila na sa tingin ng ibang tao ay walang saysay at sayang sa oras lamang. Kung tutuusin, maraming pweding gawin sa buhay pero kung bakit di natin ginagawa ay dahil lamang sa mga ganitong rason; hindi ako magkakapera o sisikat jan, tinatamad ako, hindi ko trabaho yan, s’ya na lang dahil mas magaling siya, sa ibang araw na lang, mali kasi yan sabi ng iba, etc. Imbes na nagtratrabaho ka, nauuna pa ang paghahanap mo ng mga idadahilan kaya bawat araw wala ka na ngang alam gawin, wala ka pang natatapos.Try mong di kumain, maligo, magsipilyo at matulog kasi nga gawain pa rin yun, para mapatotohanan mo na wala kang alam gawin.
6. Madami kang plano at gusto sa buhay
Bahay, kotse, madaming pera, maganda o gwapong asawa, maraming anak, makapag-ibang bansa, makita ang paborito mong artista, etc etc. Narinig mo kung gaano kaingay ang langaw pag lumilipad? Ganun ang tunog ng utak mo- maingay na nga, magulo pa. Lista ka ng lista pero di naman nababawasan. Una sa lahat, mali kasi ang nililista mo dahil kadalasang materyal na bagay ang laman nito. Aminin man natin sa hindi, halos lahat ng nasa listahan mo ay mga walang kwenta na nga puro materyal pa. Flat screen TV, DSLR, I-phone, laptop, sasakyan na dapat mazda pa, bakasyon dito o diyan, hang-out with friends, pasalubong, regalo at kung anu-ano. Pati nga pagkain gusto mong pasukin lahat ng restaurant pero iisa rin lang inoorder mo, manok na sa iba fried chicken, chicken curry, adobo, chicken bbq- wag ka nga at manok din lang lahat nyan. Sabi ni Oprah Winfrey ” Oppotrunities, relationships, and even money flowed my way when I learned to be grateful no matter what happened in my life”. Subukan mo na tanggapin kung anong meron ka at iyon ang maging katangi-tanging plano mo sa buhay di hindi ka na mahihirapang mag-check.
7. Takot mamatay
Problema ba yan? Mahal kasi ang kabaong saka sino ang maglilibing sa iyo, paano ka mamamatay, sino ang mga pupunta sa libing mo, paano ang gastusin at saan. Naku, naku mamamatay ka na nga lang ang dami mo pang seremonya. Kung nasagasaan ka jan at namatay ka di ibig sabihin tapos na ang palugit na binigay sa iyo para gawin mo kung anu man ang nakatadhana para sa iyo. Kaso kung bakit tayo natatakot ay dahil tingin mo ay di mo pa naaabot ang mga dapat mong abutin kung ano man iyon. Balik tayo kay Steve Jobs kung saan sa dami ng pera nya, mas pinili pa nyang tanggapin si kamatayan kaysa ubusin lahat ng pera nya at tinanggihan pa nya ang alok ni Tim Cook para sa liver transplant. Sabi nya “remebering that you are going to die is the best way  I know to avoid the trap of thinking you have something to loose, you are already naked, there’s no reason not to follow your heart”. Dahil sa mga pagpapaliban at mga maling desisyon na mas binibigyan natin ng importansya para lamang mabuhay na naaayon sa tingin ng ibang tao ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw mo pang mamatay dahil inuna mong makamit ang mga bagay na gusto ng ibang tao kaysa sa sarili mong gusto.
Hanggang dito lamang muna dahil pagod na ako sa kakaisip. Isa lang naman kasi ang patutunguhan lahat nito – hindi mahirap mabuhay, pinili mo lamang pahirapan ang sarili mo. Sabi nga- some things can be learned and unlearned, it’s a matter of choice, kaya nga may options di ba? Ikaw kaibigan, sa tinggin mo- mahirap nga ba ang buhay?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s